Mukha kang Biyernes Santo!
Ngayong Biyernes Santo, samahan natin si Bp. Socrates Mesiona, MSP at sabay-sabay nating balikan ang hirap, sakripisyo, at dakilang pagmamahal ni Hesus sa krus. Sa video na ito, tayo’y inaanyayahang magnilay sa kahulugan ng kahoy na krus — simbolo ng ating kaligtasan, pagbabago, at pagsunod kay Kristo.
- Bakit mahalaga ang krus sa ating buhay pananampalataya?
- Ano ang ibig sabihin ng tunay na pagiging alagad ni Hesus?
- Paano natin maisasabuhay ang Biyernes Santo sa gitna ng hamon ng ating panahon?
“Take up your cross and follow me.” – Mateo 16:24
Kung ikaw ay naghahanap ng bagong sigla sa pananampalataya, o nais mo lamang maglaan ng tahimik na oras para sa iyong kaluluwa ngayong Semana Santa — ang video na ito ay para sa’yo.